Me / Ask
What is Punyeta?

Feaunñeta - a word to describe a putang inang nilalang in the Philippines. Like “Putang ina ka, maglaba ka nang punyeta ka!”

feaun•ñe•ta

Ang pagiging putragis ay isa sa mga salitang ginagamit para tukuyin ang mga nakakabadtrip na nilalang ngunit may salita din kung saan tinutukoy ang mga nilalang na nasa -50 ang kabobohan pwede mong bentahan ng utak ng daga at ang salitang ito ay ang “Punyeta” o “Puñeta”.

Aking ipapabasa sa inyo kung ano ang mga katangian ng ng isang Punyeta na nilalang ngunit sa mga panahong lahat ay gumagamit na ng internet.

1. 1 Like = 1 Prayer
     Ang mga punyetang nagpopost ng “1 Like = 1 Prayer” ay isa mga ito. Sila ang nauubusan ng pahina ng sa bibliya dahil kanila itong ginagamit pamunas ng puwet. Pinapakita nila ang pakikisimpatya sa pamamagitan ng Math at ang may pinakamaraming likes, mas maraming blessing. Pwede naman ilagay na “1 Like = 1 Tadyak sa Batok”.

Halimbawa: 1 Like = Prayer #PrayForVhong
                   Kailangan natin matalo ang likes na nakuha ng mag biktima ng Yolanda kundi ‘di gagaling ang kaliwang blackeye ni Vhong.

Paano makaiwas? Isali mo sa isang kulto at ipasunog mo ng buo.

2. Pa-Like po ng punyeta kong DP.
    Ang ibig sabihin nila sa DP ay Dakilang Punyeta. Mga nilalang na natutong gumamit camera at internet ngunit ‘di marunong gumamit ng utak. Sa ‘di maintindihang dahilan, kanilang pilit pinapalike ang mga walang kaawa-aawang litrato nila na namumula ang labi na parang puwet ng manok at kapag naka-kota na, isa-isang pasasalamatan ang mga naglike na parang kandidato.

Halimbawa: Pa-like po ng bagong DP ko. Thanks :”> pati na din ung luma kasi para may pang-throwback at makita mo kung gaano ako lumala ngayon kesa noon.

Paano makakaiwas? ‘Wag mo i-like. Isumbong mo sa T3 sa salang ‘di pagsunod sa Terms and Conditions.

3. Peymus
    Mga nilalang na sinasamba ng mga kabataang kulang sa baon kaya’t inuubos ang oras sa Piso Net para magpa-add sa kanilang instant idol. Sila ang may batas na sinusunod na ‘di dapat maging snob sa mga followers kundi ingungudngod sila sa liha ng mga ito. Ang trabahong walang suweldo ngunit may simpatya ng mga taong below 10 ang IQ.

Halimbawa: Sarap ng sundot-kulangot. :”>
                138 Likes    32 Comments    364 Pa-add    245 Pa-fansign

Paano makakaiwas? Wala. Dumadami ang lahi nila, mag-logout ka nalang bago ka pa bigyan death threat.

4. #Zoned   
    Mga post na tungkol sa mga bagay na ayaw nilang ginagawa sa kanila ng mga crush nila. Kadalasang dinudugtungan ng “zoned” sa dulo ng word. Isang kapunyetahan na dapat ay natapos na sa panahon ng Friendzoned. Walang masama dito ngunit nakakataas ng percentage kung gaano desperado ang mga nilalang na ito sa lovelife.

Halimbawa: Binigyan niya ako ng Milktea, may Muriatic Acid pala. #Nilazoned

Paano makakaiwas? Daganan mo ng #Pizoned

5. Pa-follow po.
    Epidemyang wala pa din nahahanapang gamot. Ang mga pinakapunyeta sa anak ng mga putragis sa Pilipinas. Mga ‘di maawat na punyeta dahil sa gutom sa followers. Gagawa’t gagawa ng paraan para maipagmalaki sila ng magulang nila’t madiscover bilang bagong specie na dapat ay maubos na agad sa mundong ito. Mismong NBI ang sumuko sa paghuli ng mga punyetang ito dahil kahit pati mga espiya ay kanilang pinafollow.

Halimbawa: Pafollow po. Followback ko kayo. Punyeta ka eh.

Paano makakaiwas? ‘Wag mo iwasan. Patayin mo agad ang punyeta.

                                         • Salamat mga punyeta •

20 Notes
Bakit ang 18 ang pagdadalaga ng babae at 21 naman ang pagbibinata ng lalaki?

Trivia: Alam niyo ba kung bakit 18 ang tamang edad para magdalaga ang babae at 21 para naman sa mga lalaki? Kung bibilangin mo lahat ng daliri mo sa kamay at paa ay 20 lahat. Para sa mga babae, 20 na daliri ngunit mayroon silang dalawang boobs, kaliwa at kanan, ibawas mo ang 2 ‘yun sa 20 at magiging 18, kaya 18 ang sa babae. Sa lalaki naman, dahil may lawit sila, idagdag mo ang nag-iisang lawit sa 20 daliri ay magiging 21, kaya 21 ang sa lalaki.

Pero kung lalaki ka ngunit may boobs ka din, bahala ka na magbilang sa’yo. Kahit kailan mo gusto mag-debut kasi ‘di naman kami imbitado kaya wala kaming pakialam at sa mga babaeng walang boobs, bahala kayo na din kayo sa buhay niyo, magtiis kayo sa utong. Shiyet.

39 Notes

✖✖✖✖✖

Ano pong tips para maging kasing-gwapo niyo?

protagonistdjphaw-deactivated20:

Alam niyo, ayaw ko na sana mandamay pa ng ibang tao para maging pogi dahil alam niyo na naman na sobrang hirap ng mga kalagayan namin. May mga taong ipinanganak na pogi at may mga taong ipinanganak lang talaga. Pero sige, para sa inyong hiling.

1. Magtadtad ka ng sibuyas at patola sa chopping board tapos tapon mo ‘yung sibuyas at patola saka mo dilaan ‘yung chopping board.
2. ‘Yung number 1, pagsubok lang ‘yan kung uto-uto ka.
3. Balik tayo sa 1.

1. Dumikit sa pangit para mapansin ang iyong kagwapuhan.
2. Magsuplado para pagkamalan na pogi.
3. Wag ka lalayo ng 3.8cm sa mga pangit at wag ka rin masyadong lalapit ng 6.2cm dahil pwedeng mapansin ng mga girls na magkakamukha kayo.
4. Mag-apply na taga-abot ng NFA Rice, para ang kagwapuhan mo, pinipilahan.
5. Mag-alaga ng mga manok at sisiw para habulin ka ng mga chicks.
6. Lumayo ka lang kung talagang pang-malayuan lang ang kapogian mo. 
7. Magmahal ng bulag para ‘di pangit ang tingin sa’yo.
8. Ipapalit ang apelyido sa “Pa-kiss” para tinawag ang pangalan buong name mo, may libre kang kiss.
9. Tawagan ang mga babaeng nililigawan mo sa telepono para mabilis ka nilang sagutin.
10. Pagdikitdikitinangpagsusulatparamapatunayannaikawaypogi.

Pero sabi nila, antukin daw ang mga pogi. Bukas na lang ako magkwento, inaantok na ako eh.  

36 Notes
protagonistdjphaw:

Ay, king inang mga ‘to! Pahihirapan na naman maglaba ‘yung mga magulang nila tapos magrereklamo kung bakit wala na silang pang-alis na damit, buti sana kung sila ang naglalaba eh. Tanga pala ‘tong mga ‘to eh, sino ba naman sira ulo ang pupunta ng beach tapos magpapabasa sa tubig pero nakamaong. Tanga talaga ‘yan, paano kapag nasa bulsa niya cellphone niya, edi nasira pa tapos papaayos niya kaso expired na ‘yung warranty. Ito naman babae, walang suot na bra, kung ‘di ba naman tanga tapos mamaya gagahasain na siya nung lalaki eh sa kabilang kanto lang naman sila nagkakilala. Sa kanto ng tinio, kanto tinio. Imbis na mag-aral na lang ‘tong dalawang ‘to pumunta pa sa beach kahit wala ng pera, paano sila uuwi? Mukhang mahirap nga lang ‘tong mga ‘to eh, kahit nga tsinelas wala eh tapos may pa-beach beach pa. Pagabi na nga oh, ‘di pa magsiuwi eh may pasok yata kinabukasan ‘yung babae tapos itong lalaki ‘di pa tapos ‘yung assignment. Malalandi!
Magpapabasa sila sa tubig tapos iiwas bigla? Parang gago lang ah.

protagonistdjphaw:

Ay, king inang mga ‘to! Pahihirapan na naman maglaba ‘yung mga magulang nila tapos magrereklamo kung bakit wala na silang pang-alis na damit, buti sana kung sila ang naglalaba eh. Tanga pala ‘tong mga ‘to eh, sino ba naman sira ulo ang pupunta ng beach tapos magpapabasa sa tubig pero nakamaong. Tanga talaga ‘yan, paano kapag nasa bulsa niya cellphone niya, edi nasira pa tapos papaayos niya kaso expired na ‘yung warranty. Ito naman babae, walang suot na bra, kung ‘di ba naman tanga tapos mamaya gagahasain na siya nung lalaki eh sa kabilang kanto lang naman sila nagkakilala. Sa kanto ng tinio, kanto tinio. Imbis na mag-aral na lang ‘tong dalawang ‘to pumunta pa sa beach kahit wala ng pera, paano sila uuwi? Mukhang mahirap nga lang ‘tong mga ‘to eh, kahit nga tsinelas wala eh tapos may pa-beach beach pa. Pagabi na nga oh, ‘di pa magsiuwi eh may pasok yata kinabukasan ‘yung babae tapos itong lalaki ‘di pa tapos ‘yung assignment. Malalandi!

Magpapabasa sila sa tubig tapos iiwas bigla? Parang gago lang ah.

Anonymous:
O tapos? :)

protagonistdjphaw-deactivated20:

Edi Letter P

Ipinagdidiwang ko lang na meron akong askbox at hindi ka imbitado. Mamimigay ako ng dalawampung sako ng basura mula Puregold at tig-iisang piraso ng mga natira sa Free Taste sa Mall. ‘Yun lang. 

17 Notes
Conyo.

1.  Thou shall make gamit “make+pandiwa”.
ex. “Let’s make pasok na to our class!”
“Wait lang! I’m making kain pa!”
“Come on na, we can’t make hintay anymore! It’s in Andrew pa, you
know?”

2. Thou shall make kalat “noh”, “diba” and “eh” in your pangungusap.
ex. “I don’t like to make lakad in the baha nga, no? Eh diba it’s like, so
eew, diba?”
“What ba: stop nga being maarte noh?”
“Eh as if you want naman also, diba?”

3. When describing a whatever, always say “It’s SO pang-uri!”
ex. “It’s so malaki, you know, and so mainit!”
“I know right? So sarap nga, eh!”
“You’re making me inggit naman.. I’ll make bili nga my own burger.”

4. When you are lalaki, make parang punctuation “dude”, ‘tsong” or “pare”
ex. “Dude, ENGANAL is so hirap, pare.”
“I know, tsong, I got bagsak nga in quiz one, eh”

5. Thou shall know you know? I know right!
ex. “My bag is so bigat today, you know”
“I know, right! We have to make dala pa kasi the jumbo Physics book
eh!”

6. Make gawa the plural of pangalans like in English or Spanish .
ex. “I have so many tigyawats, oh!”

7. Like, when you can make kaya, always use like. Like, I know right?
ex. “Like, it’s so init naman!”
“Yah! The aircon, it’s, like sira!”

8. Make yourself feel so galing by translating the last word of your sentence, you know, your pangungusap?
ex. “Kakainis naman in the LRT! How plenty tao, you know, people?”
“It’s so tight nga there, eh, you know, masikip?”

9. Make gamit of plenty abbreviations, you know, daglat?”
ex. “Like, OMG! It’s like traffic sa LRT”
“I know right? It’s so kaka!”
“Kaka?”
“Kakaasar!”

10. Make gamit the pinakamaarte voice and pronunciation you have para full effect!
ex. “I’m, like, making aral at the Arrhneo!”
“Me naman, I’m from Lazzahl!”

171 Notes

protagonistdjphaw:

Shiyet. Anne. Bilis magtampo.

Nakilala ka lang akala mo kaya mo na kami?
Sumikat lang, tang ina yung ulo lumaki!
Feeling magaling at galit sa mga hipokrito.
Tinitira mo ba sarili mo o tinamaan ka na dito?

Tang ina, ang daming post pero puro hate.
Ikaw ang susi dito kaya kami nandito? Meron kaming duplicate!
Copy-paste, copy-paste. Tang ina. Made in China!
Sa sobrang makasarili mo! Meron kang sariling planeta!

Sila ang original. Ikaw ang imitation.
'Pag nawala ka dito, ang tawag dun celebration.
Haha. Joke lang naman ‘yun. Unggoy!
'Pag nag-deact ka maraming luluha. Tears of Joy.

Benta mo ‘yan utak mo tutal di naman nagagamit.
'Pag walang bumili, tang ina pare 'wag kang magalit.
Ok. Sige. Ikaw na ang pinakamarunong.
'Pag napahiya ka dito, 'wag kang hihingi ng tulong!

Sa lovelife ang dami mong reklamo!
Paano ka magkakaroon eh ang taas ng pride mo!
Pati mga bago tinitira mo na kaagad.
Tang ina pare, yung kayabangan masyado ng sagad.

Ang daming alam, nakapagaling magsalita.
Nanghihingi ng atensyon, wala naman kinikita.
May payo ako sayo, wag ka masyadong sumunusod sa mga advice.
Isa pang utot mo dito, tang ina meron ka ng surprise! 

104 Notes